SELENA POV: NANGUNOT ang noo ko nang maramdamang may mabigat na nakadagan sa akin. Mag—iiba ako ng position ko, pero hindi ako makagalaw hanggang may maramdaman akong nakadantay sa aking hita. Bakit parang ang bigat ng aking legs at parang iba ang unan ko ngayon? Matigas? Gumalaw ako pero may kung ano sa aking puwetan. Fuck? Lasing pa ba ako? Speak of lasing? Ano bang nangyari nang umakyat ako? Wala akong maalala. Basta nang maramdaman kong nahihilo na ako, umakyat na ako sa aking room. Idinilat ko ang aking mga mata, natagpuan kong nasa loob ako ng aking room, nakahinga ako nang maluwag. Nakita ko ang pamilyar na bintana at maging ang paligid nito, nandito rin ang aking maleta. Nakahinga ako dahil doon. Pero, bakit parang may katabi ako? Kinapa ko ang unan na nasa ulunan ko ngayon.

