NOVEMBER 10, enrollment na namin for last semester ng pagiging kolehiyala ko. Winala ko muna sa aking isipan ang nangyari sa akin noong nasa Osaka ako. But for sure na—forget na rin ng lalaking iyon ang tungkol sa akin, mukha namang playboy and I give him a money naman. Siguro naman ay okay na ang 20k yen for him. Malaki naman na siguro iyon for him? I think so. “Kanina ka pa naghihintay, Poppy? Sorry inutusan pa ako ni mom na diligan ang garden niya!” Nakita ko si Selena na hinihingal. Tumayo na ako at umokay lamang ako sa kanya. “Ikaw magsabi ang tungkol dʼyan kay Millie, ha?” nakangising sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata, alam niyang magagalit si Millie, nagbigay ng oras ng Millie kung anong oras dapat kami sa Maravilla University. Sumakay na kami sa