"Waaaah! Kiran! Ang galing—galing mo talaga!" malakas kong tili nang maka—three points siya. Tinaas ko ang banner na pinagawa ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Nandito na kami sa gym at nagche-cheer ako kay Kiran. "Selena! Millie, ngumiti siya sa akin!" Kinikilig kong sabi sa kanila. "Mabuti na lang wala rito ang Esmeray na iyon. Siguro kinakabahan na para mamaya. Alam niyang ilalampaso ko siya— waaah! Naagaw ni Kiran!" muling sigaw ko nang makuha niya ang bola sa kalaban. "Hey, hinaan mo ang boses mo. College of Education ang kalaban nila Kiran, kurso mo iyon, hoy!" sita sa akin ni Selena at tinuro ang kabilang side. "Alam naman nilang crush ko si Kiran, Selena. Humingi agad ako ng sorry sa kanila kahapon, kaya alam nila iyon. Wow! Ang galing mo Marco! Galingan mo pa lalo!" si