NANG matapos kaming magpaayos ng aming mga buhok and nails ay lumabas na rin kami. Sinali na rin namin si Buzz, ayaw pa nga niya pero tinakot ko siya. “Ang cute ng nails ko, Selena and Millie!” nakangiting sabi ko at pinakita ang aking ribbon inspire nail today. “Yeah, cute, Poppy.” Napasimangot ako sagot ni Selena. “Wala man lang energy, Selena? Ah, kasi naman ang panget ng nails mo... Sana nilagay mo ay iyong Buzz... Nightyear! Iyon ang gusto kong sabihin. Grabe ka naman! OA ka, ha? Kapag Buzz, siya agad? Aba, love na iyan, Selena—Millie, may I see your nails? Hala, ang cute ng cat!” Kinausap ko na lang si Millie dahil ang sama na talaga ng tingin ni Selena sa akin. “Inaasar mo na naman siya, Poppy.” “Ah, eh, gusto ko lang naman malaman kung anong mayroʼn talaga sa kanila ni Buzz n