SABI nila kapag masaya ka ay hindi mo namamalayan ang takbo ng buhay mo. Hindi mo namamalayan ang oras at panahon, dahil ngayon ay nararanasan ko ang mga iyon. “Mommy? Mommy, si Kepler ay bad po!” Napangiti ako nang makita si Kalinda na kinakalabit ako ng kanyang mga kamay. “Ano po iyon, my princess?” tanong ko sa kanya at nilagyan ng cheese ang ginagawa kong pancake for our prince and princess. “Si Kepler ay bad po, mommy. He give me a gun!” matinis na sabi niya sa akin. “Mommy, itʼs a water gun only! And, she should know how to handle it properly dahil sheʼs a princess!” malakas na sagot ni Kepler habang hawak ang tinutukoy ni Kalinda. “I donʼt want a gun, Kepler! I donʼt, okay? Iʼm scared sa gun.” malakas na sabi ni Kalinda at humawak sa aking damit, nagtago na rin siya. I heard h