IRISH POV “ANG hirap pala maging artista! Ang hiram umacting, ha?” bulalas na sabi ni Abby nang makapasok na kami sa loob ng bahay. “Mabuti na lang nakita mo agad ang sasakyan ng barangay at least, lalong na—agrabyado ang Anthony na iyon. Nanginginig na nga ang buong katawan niya nang hawakan siya ng mga tanod. Deserve niya iyon! Lalo naʼt inistorbo niya ang pagkain ko!” dagdag pa niyang sabi habang kumakain na muli siya. “Dalian niyong kumain para masampahan na sila ng kaso. Tatawagan ko sina David and Irene para sabihing nagsampa ka na ng kaso laban sa kanila, Apo.” Naglapag si Lola ng apple na naka—slice na. “Thank you po, Lola.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Ay, wala iyon, Apo. Lintek lang ang walang ganti. Mabutiʼt hindi nga nalalaman ng mga tito mo sa side ni David ang nangyari

