VALERIAN POV “HINAHANAP mo ko?” Tumango ako sa kanya. “Yes, pinahanap kita. Hindi nga lang naging madali dali wala akong malinaw na picture mo, tanging nag—iisa lamang noong binuhat kita—” Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata. Cute. “Basta iyon lang ang picture na mayroʼn kami sa iyo. Tanging iyon lamang ang naging pag—asa ko para mahanap ka at ang pangalan mong Irish. Kaya ngayon, hindi na ako nagdalawang isip na magpakita sa iyo... Wala naman ibang umaaligid—” “Wala po, Dada! Ayoko ibang guy kay Mama! Gusto ko daddy ko lang, pewo ahanap ka na namin kaya ikaw na Dada ko, ha!” Nagulat kami sa sinabi ni Kalatia. “Mama, si Dada lang mahal mo win?” tanong niya kay Miss Irish. “Si Dada ikaw lang mahal niya kasi ahanap ka niya tatlong tao, ganito, oh!” Pinakita niya sa amin ang tatl

