NAPATAYO ako nang mawala na sila daddy Kaladin. Hindi pa rin mawala—wala ang nginig na nararamdaman ko habang nakatingin sa pintong nilabasan nila. “Caspian and Stefano, sabihan niyo ang mga tauhan na palibutan ang buong building. Walang makakapasok ni—isa, okay?” “Copy, Master Massimo!” Nakita ko ang paglabas ng dalawang lalaki sa room na ito. “Huwag kang mag—alala, Mrs. Blackwood, magiging safe kayo habang nandito ako. Inaanak ako ng twins ninyo kaya kailangang mabuhay sila. Gusto ko na rin magkaroon ng anak.” Nakita ko ang mukha niyang nasasaktan. Dama kong may problema rin siya. “Sorry to ask this, but, wala pa ba kayong naging girlfriend, Mr. Adler?” tanong ko sa kanya. “Sobrang pormal mo naman. Baka naaalala mong kumpare mo ko, kaya Massimo na lamang... Sa tanong mo niyan,