I WOKE UP early for the second day of the foundation day. Tinanggal ko ang cucumber sa eyes ko at maging ang tomato sa aking armpit, nabasa ko na nakaka—help ito na mawala ng bad odor sa kili—kili natin and to help the smooth armpit, kapag mali ang information na ito, mali ang nabasa ko!
Napatayo ako sa bed ko at ngumiti nang malaki. "Good morning to us, Poppy! Today is the day, the battle sa Mr. and Ms. Maravilla University. Kailangan nating manalo bilang Ms. Maravilla University, lalo naʼt kinasal kami kahapon ni Kiran. Nagpalitan kami ng 'I do'." nakangiting sabi ko.
Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon, ako ang unang kinasal sa wedding booth namin at he said 'I do'. Iyong puso ko kahapon ay kumakabog nang mabilis, paniguradong ganoʼn din ang mararamdaman ko kapag kinasal kami.
"Good morning, Miss Poppy! Mukhang good mood kayo, ha? Dahil po ba ngayon ang contest?"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni ate Grace. "Yes, ate Grace! But, maliban pa po roon. May nangyari sa akin kahapon na sobra kong kinatuwa kaya until now ay masaya ako!" malakas na sabi ko sa kanya.
Nilahad niya sa akin ang kanyang palad, binigay ko ang dalawang pirasong cucumber and tomato.
"Ano naman po ang nangyari sa inyo kahapon?"
"Nakalimutan kong sabihing kinasal kami kahapon ni Kiran sa wedding booth po namin, kami ang buena mano kaming dalawa!" malakas na sabi ko sa kanya. "Look at my ring, ate Grace!" Pinakita ko ang aking kamay sa kanya, nandoon pa rin ang ring na nilagay niya, kasama ito sa package namin ng aming wedding booth. Hindi ko tinanggal. Silver ang isang ito, pʼwedeng maisangla.
"Really? Miss Poppy?"
Tinignan pa niya ang aking singsing. "Yes po, ate Grace! Kasal—kasalan lang naman po iyon, but I feel na parang totoo iyong kasal naming dalawa... Iyon nga lang, walang wedding vows na naganap. Doon saan mga napapanood kong movie na may wedding scene, may ganoʼn po sila, right? Paano kaya kung may ganoʼn kami kahapon? Paniguradong hihimlay ako sa kanya, ate Grace!" nakangiting sabi ko at may naalala ako. Napaupo ako sa gilid ng bed ko at binuksan ang drawer ng side table ko. "May photos din kami... Heto po, oh!" Binigay ko ang kinuha kong photo sa kanya.
Tinignan niya ang bawat pictures na pinakita ko at saka na rin ako naligo nang makitang anong oras, kailangan ko pang pumunta sa fortune-teller booth, magpapahula ako. Natapos na rin akong maligo, pumunta ako sa walk-in closet at nagsuot na'ng damit, pagkatapos nu'n ay lumabas na rin ako at nakita ko ang aking dress na susuotin mamaya. Hinawakan ko lamang iyon at lumabas na rin sa room ko, nakita ko si ate Grace tinanong ko ang tungkol sa banner na pinagawa, ready na raw kaya ready na rin akong magcheer kay Kiran mamaya, my beloved.
Nakarating na rin kami sa campus at pababa na sana ako nang maalala ang horoscopes ko today. "Kuya Benjamin, whatʼs my horoscopes today?" pagtatanong ko sa kanya.
"Um..." Nakita ko ang alinlangan sa mukha niya. "Ano po kasi, Miss Poppy..." Hindi pa rin niya masabi.
"Say it, kuya Benj! Unlucky po ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. "Opo, unlucky po ang horoscopes niyo today!" Nagulat ako sa sinabi niya, kung kailan need kong maging lucky today. Tsk. "Pero, magiging lucky po kayo kapag may kasama kayong pinanganak sa buwan na December. Iyon po ang sabi sa horoscopes niyo ngayon," paliwanag niya sa akin.
I feel sad sa sinabi niya.
Si Selena ay pinanganak noong May 28, then si Millie ay June 19. Ako, September 8.
Sino ang pinanganak sa December.
"Ngumiti na siya nang malaki, kuya Benjamin. Mukhang naalala na niya kung sino ang pinanganak sa December."
Narinig ko ang sinabi ni Selena at tinignan siya. "Si Kiran! December 5 siya! Lucky! Dapat sumama ako sa kanya and for sure, kami nga mananalo today sa Mr. and Ms. Maravilla University mamaya!" malakas kong sabi at hinawakan nang mahigpit ang aking banner na pinagawa.
"Sinasabi ko na nga bang si Kiran ang naisip niya."
Nakita ko ang pag—iling niya. "Of course, Selena! So, mananalo talaga ako today! Bye! Pupunta muna ako sa classroom namin para tignan ang aking costume na ginawa ng buong classmates ko and ng CED! See you later, Selena!" malakas kong sabi at kinawayan siya habang paalis sa parking lot
Nang makaalis ako sa classroom namin pagkatapos kong isukat ang aking costume ay bumaba na rin ako para suportahan si Kiran at dalawa kong pinsan, pero bago iyon ay pumunta muna ako sa Fortune Teller booth, magpapahula ako.
"Hey, Poppy— talaga bang magpapahula ka?"
Papasok na sana ako nang mahawakan ako ni Selena. "Of course! Gusto ko talaga magpahula!" sabi ko sa kanya.
"P—paano kung hindi maganda ang sabihin sa iyo?"
"Eh ʼdi gawin nating good ang sabihin at kung may hindi maganda man ang sabihin, mako—kontra ko iyon agad kung sheʼs telling the truth, ha? Katulad nuʼng kinuha nila grandma na manghuhula! Kaya bitaw na! Ako naman ang magpapahula at hindi ikaw," sabi ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak sa aking braso.
Nakita ko ang pag—iling niya. "Ay, bahala ka! Sasamahan ka na lang namin."
Ngumiti ako sa kanya dahil na rin siyang nagawa. "Hello, kayo po ba iyong manghuhula?" pagtatanong ko sa kanya.
Psychology ang course ng mga ito.
"Yes, ako nga. Maupo ka sa harap ko." Nakita ko ang mukha niya na nagulat nang makita ako. "M—Miss Poppy..." nauutal niyang tawag sa pangalan ko.
Ngumiti na lamang ako sa kanya. "Yes, I am. Pero, huwag kang kabahan para maging accurate ang hula mo kung totoo ka nga! So, ano ba ang gagawin ko?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pagbalik ng mukha niya sa rati. "Card po ang ginagamit ko sa paghuhula. I—sa—shuffle ko na po ito," panimulang sabi kaya tumango ako sa kanya.
Tinignan ko kung paano niya binalasa ang baraha nang ilang beses at nilapag iyon. "Paki—cut po sa tatlo, Miss Poppy." Ginawa ko ang sinabi niya sa akin.
I cut it in three times.
Kumuha siya ng tatlong baraha sa bawat cut na ginawa ko. Nilapag niya ang bawat isang card at pinakita sa aking harapan.
"Wow, Miss Poppy. Lahat ng card mo ay good positive at tungkol sa love," gulat niyang sabi sa akin.
"Wow! Really?" nakangiting sabi ko sa kanya. Tinignan ko sina Millie and Selena. "See, positive!"
"This card, the Lovers is all about love and being in sync with someone special. It's like finding your perfect match, your soul mate... Heto namang Two of Cups tells you to look for connections in your life, especially those that are one-on-one," sabi niya sa akin.
Namilog ang aking bibig sa sinabi niya. "Si Kiran ba ang tinutukoy dʼyan?" tanong ko sa kanya, pero hindi sumagot. "Nevermind. Continue."
"The Two of Cups represents a developing new connection built on romantic affection in a loving relationship... And, also, in business, Miss Poppy, paniguradong lalago muli ang business niyo."
Pumalakpak ang tenga ko.
Magbo—boom muli ang business nina mom and dad.
"Last card is the Empress card. This is rich with symbolism and imagery that convey themes of fertility, nurturing, and abundance."
"Wait, fertility? Meaning mabubuntis ako? No way! Ayoko pang mabuntis ako. Virgin pa ako!" usal ko sa kanya.
"Um, Miss Poppy, iyon po kasi ang sinasabi nitong card... At, hetong The Empress card ay kayo po ang magha—handle sa love life na mayroʼn kayo. In short, takot po ang magiging boyfriend niyo sa inyo," sabi niya sa akin.
"Um, okay na rin! So good pala ang aking love life and our business this year! Napanatag ako dahil doon. Sana nga lang si Kiran iyong tinutukoy dʼyan! Siya lang naman ang crush ko! Thanks sa paghula sa aking kapalaran! Maghuhulog ako roon sa tip box niyo!" nakangiting sabi ko sa kanya. "But, if kukuha ka pa ng card anong lalabas, good pa rin ba?" I asked her again.
Curious lamang ako.
Kumuha siya ng card na tinuro sa gitna at nakita ko ang The Hierophant. "What does it say?" tanong ko sa kanya. Iyon kasi ang nakalagay sa card, pero hindi ko naman alam.
Ngumiti siya sa akin. "Maganda pa rin po ang card, Miss Poppy. The Hierophant is symbolizes commitment, tradition, and established structures, often representing a formal union like marriage po. Ikakasal po kayo ngayong taon," nakangiting sabi niya sa akin.
Lalong lumaki ang aking ngiti sa pisngi ko. "Really? Ikakasal ako? Hindi ba pʼwedeng next year na lang? Malapit na matapos ang taon na ito, mag—se—sembreak na tayo," sabi ko sa kanya.
"Pʼwede po yata... Hindi ko po alam." Kakamot—kamot niyang sabi sa akin.
"Itʼs okay! At least, nalaman kong goods ang hula sa akin. Thanks again!" nakangiting sabi ko at tinignan na sina Selena and Millie, naghulog ako sa kanilang tips box.
"Maniniwala ka roon?"
Tinignan ko si Selena. "Of course! Goods naman ang lahat, ʼdi ba? Magkaka—love life na ako this year. Canʼt na maging girlfriend ako ni Kiran. I feel it this hindi na ako NBSB!" Kinikilig na sabi ko sa kanilang dalawa.
"Napaka—OA mo, Poppy!" sabay nilang sabi sa akin.
"Basher kayo, ano?" I rolled my eyes at them. "Tara na nga! Manonood pa tayo ng championship ng basketball! Sana manalo sila Kiran! Ready na ako sumigaw—"
"Miss Poppy!"
Someone cut my line, kaya napalingon kami sa likod. Nakita namin iyong manghuhula.
"Um, why?" I asked her.
"M—mag—iingat po kayo... Nang lumabas po kayo, biglang hinangin itong card."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Whatʼs card?"
"The Devil card," sagot niya sa akin. "This card is symbolizes for shame, guilt, abuse, trauma, jealousy, greed and bad relationships. Baka po may mainggit sa relasyon na mayroʼn kayo... Or, iyong boyfriend niyo po maging red flag po."
"Oh, parang bad guy? Itʼs okay! I like bad boy. And, hindi naman bad boy si Kiran! Saka hindi ko naman tinapik niyan, sabi mo nga hinangin lang. Coincidence lamang iyon. In case na kasama nga siya, paaamuin ko na lamang iyong magiging boyfriend ko. Thanks sa pagsabi sa akin!" Kumaway ako sa kanya at lumakad na muli.
"Gusto mo ng red flag, ha?"
"Why, Selena? Exciting kaya ng ganoʼn! Hindi puro green flag, ha! At saka, ayaw mo ba ng boyfriend na obsess sa iyo, I mean, ayaw kang makitang kasama ng ibang boys. Gusto ko kaya iyon!" sabi ko sa kanya.
"Nahihibang ka na dahil sa kapapanood mo ng series and movie na puro bad boy ang male lead. Paawat ka na, Poppy!"
Kahit kailan talaga ang mga ito ay basher ako.
Why not magkaroon ng boyfriend na bad boy, ʼdi ba?