APRIL 7, today is our engagement party pagkatapos ng isang buwan na pagkakilala namin ni Kaladin, heto na rin ang hinihintay niyang event. Ilang beses ba niyang sinabi sa akin na this is the day na magiging sa kanya raw ako dahil ipapakilala na niya ako sa ibang tao. “Miss Poppy, gising na po ba kayo?” Narinig ko ang boses ni ate Grace sa labas ng room ko. Lumakad ako roon para pagbuksan siya. "Ate Grace, good morning po," bati ko sa kanya. Napahikab ako nang makitang bagong ligo na siya agad, kaya napapikit at kinusot ko ang aking mga mata. “Anong oras na po ba, ate Grace?” Nagising pala ako na wala na sa tabi ko si Kaladin, na siyang pagtataka ko. Nakita ko naman sa wall clock, sa phone ko at sa side clock ko na alas—nuwebe pa lamang ng umaga, o, baka naman ay late ang orasan ko. “N