LAST week of April already, nakatingin ako sa magagandang bulaklak na tanim namin. Napangiti ako nang may maamoy akong mabangong pagkain na niluluto. “Ate Grace, ano po iyong niluluto ni Nanay Wendy?” Napatayo ako at tinanong siya nang makitang palapit sa akin, may dala siyang dragon fruit muli. “Malala ang pang—amoy ninyo, Miss Poppy. Caldereta po ang niluluto ni Nanay Wendy for our lunch,” nakangiting sabi niya at binaba ang dragon fruit shake. “Really, ate Grace? Thanks po! Sabihan ko si Kaladin na sabay kami kumain today!” Tumayo na ako habang bitbit ang ginawa niyang dragon fruit shake. “Puntahan ko po muna siya sa room niya, ate Grace.” “Sige po, Miss Poppy.” May sarili siyang room dito pero nakiki—room siya sa room ko para makatabi niya ako. Alam ko namang maganda ako at sexy