TUMATAGAL na kami rito sa kʼwarto ko na nag—uusap ni ate Grace. Ang dami pala naming pinag—usapan, ang dami naming cinatch—up na pangyayari rito sa bahay. Ang dami to the point na hindi namin namalayan ang oras. "Hala, Miss Poppy, alas—sais na pala ng gabi!" bulalas na sabi ni ate Grace sa akin nang makita ang wall clock sa aking room. Napatayo siya sa bean bag kaya maging ako ay napatayo na rin. "Ang dami kasi nating pinag—usapan, ate Grace." "Kaya nga po, Miss Poppy. Mabuti na lamang ay wala akong inaasikaso ngayon at okay lang po ba kayo? Hindi na kayo nakapagpahinga dahil panay ang kʼwento ko sa inyo." "Ayos lang po ako, ate Grace. Ginusto ko rin pong makipag—kʼwentuhan sa inyo. Ang dami ko nga pong nalaman," saad ko sa kanya. "Huwag niyo na lang po sasabihin, ha—" Hindi na it