BUZZ POV: NANG makabalik kami sa pamamasyal ay dumiretso ako sa bahay naming nandito sa loob ng Blackwood. Umakyat ako sa room ko at nagpalit ng damit para hindi maamoy ni Miss Selena na mabaho na ako. Nag—spray rin ako nang maraming pabango para maamoy niya akong mabango. Fuck! I saw her smile earlier, sobrang ganda. Gusto ko siyang lapitan para alalayan kanina, pero umiiwas siya sa akin. Gusto kong ako ang kumukuha sa kanyang larawan ngayon, but, f**k that Rigel, pumapagitna sa amin. “Oh, ang init ng ulo mo, Buzz? Anong nangyari?” Speak of the devil. I heard his voice lingering in my ears right now. Napatingin ako kay Rigel nang makasalubong ko siya na pabalik sa main house. “Pagod ka ba? Buzz, magpahinga ka rin kapag may time! Tatanda ka agad kapag ganyan ang kinikilos mo!”

