VALERIAN'S POV “VALERIAN, welcome home. Nakausap ba kayo ni kuya Leandro?” Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni mom na lumabas sa kitchen. “Hey, answer me, Valerian. Nagkausap ba kayo ng uncle mo?” tanong niya sa akin. Tinignan ko siya and tumango. “Yes, mom. Nagkausap kaming dalawa thru phone. Ako ang pinapapunta niya sa meeting this Saturday.” “I know, Valerian. Pupuntahan niya si Liana sa Canada. Ah, gusto ko rin sumama sa kanila ni Pauline. Namimis ko na rin ang pamangkin kong iyon. Kumusta na kaya siya? Sana maging happy na siya habang nandoon siya at nagpapahinga sa heart break niya.” Tumango—tango ako sa sinabi ni mom habang may hinahalo sa malaking bowl na hawak niya. “Argh, namimiss ko na talaga ang pamangkin kong iyon kahit nasa tabi ko rin minsan si P

