BUZZ POV: SELENA: Buzz, pumunta ka sa buhay today, 6PM. May kailangan akong sabihin sa iyo. Huwag kang aakyat sa veranda ng room ko. Sa main door ka dumaan, okay? Iyon ang basa ko sa kanyang message kaya kinakabahan ako kung may ginawa ba akong masama sa kanya? Alam ko ay wala. Nagpaalam ako kay Young Master Kaladin na may need akong puntahan na importante, pero sure akong alam na niya kung saan ako pupunta. Iyong ngiti at ang pagsabi niya kanina sa akin na, do my best. I know, he knows na kay Miss Selena ako pupunta. Siya ang next in line na mamumuno sa buong Blackwood kaya hindi ko na rin inaasahan kung nakatunog na siya about sa amin ni Miss Selena. “Um, si Miss Selena po? Pinatawag niya ako rito—” “Maʼam Selery and Sir Joey, Mr. Hawthorne ay nandito na po.” Hindi ko na natuloy

