“WELCOME back, Selena. Bagay talaga kayo ni Buzz—” “Pengeng alcohol, Millie!” malakas kong sabi sa kanya at binigay niya sa akin ang alcohol na dala niya. Pinunasan ko ang aking legs at maging paa ko. Tinanggal ko rin ang garter na sinuot niya, itatapon ko ito. “Naliligo ka ba ng alcohol ngayon, Selena? Parang may virus naman yata si Buzz dahil sa ginagawa mo ngayon?” Tinignan ko si Millie. “May virus talaga siya. Ayokong mahawa.” sagot ko at naglagay muli ng alcohol. Pagkauwi ko sa bahay mamaya, maliligo ako nang maraming beses. Napapikit ako pero agad din akong dumilat nang maalala ang mukha niyang namumula. “No way!” “Anong no way, Selena? Wala naman akong ginagawa. Tinitignan lang kita kung paano mag—freak out.” “No, hindi ikaw iyon, Millie.” “Bakit namumula ang mukha mo n

