VALERIAN POV: ISANG linggo naʼng humingi ako ng tulong mula kay Kaladin, wala pa akong nare—receive na email, message or call mula sa kanya. “Tsk! Mukhang maging siya nahirapan dahil sa blurred face na mayroʼn lamang ako.” Napatingin ako sa mirror na nandito sa walk—in closet ng aking room. May pupuntahan pala ako ngayong araw. Kailangan kong bumili ng regalo para sa kasal ni Kaladin na malapit nang ganapin. Next week na iyon, ni—rush na ni Kalinda. Ayaw na talagang mawala sa kanya si Miss Everglow. Bumaba ako sa living room para maaga akong makauwi, marami pa akong tatapusin na papers sa business namin at maging sa business nila uncle Leandro. Si Liana kasi ay nasa poder ng mga Hayes at hindi pinagta—trabaho, kaya dalawang company ang inaasikaso ko ngayon. Ayos na rin iyon para sa

