SELENA POV NAKATINGIN lamang ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon, ang bodyguard ni Poppy. Kanina ko pa napapansin ang masamang tingin niya sa akin. Sure ba si Poppy na hindi adik ang bodyguard niya at tauhan ng Kaladin na iyon? “Millie, pssst! Tignan mo iyong bodyguard ni Poppy, kanina pa masama ang tingin sa akin. May ginawa ba akong mali, ha? Sumama lang naman tayo dahil kay Poppy at nagkaroon na rin tayo ng pamper time because of her too.” bulong ko sa kanya. Naaalidbadbaran na talaga ako sa lalaking ito. “Huwag mo na lang pansinin. Baka may gusto siya sa iyo—” “What?” Napasigaw ako nang marinig ang sinabi niya, kaya napatingin ang mga tao sa akin, maging sina Poppy and iyong bodyguard niya. “Bakit sumigaw ka, Selena? Anong mayroʼn?” “W—wala, Poppy. Tapos ka na ba mamili? An