"H-hindi," pilit siyang ngumiti sa dalawa. "Ano ka ba naman, Malina? Alam mo naman kung gaano ako kamahal ng daddy mo. Iniisip ko lang kung anong pasalubong ang gusto niya." Tumawa pa siya nang bahagya. Nakita niya kung paano tumalim ang mga mata ni Atticus at kung paano tumiim ang bagang nito. Palihim siyang natuwa sa nakitang reaksiyon mula sa lalaki. "Baby, baka may baked cupcakes or sliced cake kayo? Mahilig si Daddy sa matamis, e. Lalo na sa chocolate." Matamis na ngumiti si Malina. Bumuntong-hininga si Atticus. "Titingnan ko," anito at walang paalam na tumayo. Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansin ang aksiyon ng dalawa. Hindi mukhang magkarelasiyon ang mga ito. Sa napapansin niya ay si Malina lang ang sweet. Malamig ang mga kilos ni Atticus at mahahalatang walang pagmamaha