Muli siyang nag-angat ng mukha. Bakas ang gulat sa sariling mukha. Nakabaling pa rin sa iba ang tingin nito. Mahirap man para sa kaniya, wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango. KAGAT ang ibabang labi ay pinilit niyang ipikit ang mga mata upang dalawin ng antok. Pero sa tuwing naiisip ang mga nangyari at ang gustong ipagawa ng ama, bumabalik ang kaba sa dibdib niya. Napakagaga niya kasi. "Ano nang gagawin ko?" naitanong niya sa sarili habang nakatitig sa puting kisame ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang mahihina at sunod-sunod na katok sa pinto ng kaniyang silid. Mabilis siyang bumangon at lumapit sa pinto upang buksan iyon. "Cielo..." sambit niya sa pangalan ng babae nang bumungad ito sa kaniya. Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. Seryoso ang