PINAPATUYO na ni Narian ang mga plato na hinugasan niya nang maramdaman niya ang presensiya ng lalaki. Paglingon niya sa pinto ay pumasok si Zyrus. Kung mataas ang tingin niya kay Alessandro bilang doktor, higit na mataas ang tingin niya sa ama nito. Tahimik lang din si Zyrus, pero alam niya na mas malalim ang personality nito. Hindi niya malaman kung paano niya i-approach ang ginoo. “Uhm, pasensiya na po kayo. Nakagulo po ata ako sa pamilya ninyo,” naiilang na sabi niya. “It’s okay. Don’t worry about my wife. Bahala na si Alessandro magpaliwanag sa kanya. Feel at home, don’t be shy. Never nagdesisyon ng mali ang anak ko. Alam ko kung saan ako puwedeng mahimasukan sa mga pasya niya. But he never failed. I know he can do it,” seryosong wika nito. “Thank you po. Napakabait po ng anak niny