HINDI naman daw dinapuan ng kahit anong virus ang katawan ni Narian. Kulang lang daw siya sa tulog at pahinga, sabi sa iniwang sulat ni Alessandro. Maagang nagising si Narian. Hindi na masakit ang ulo niya. Nagtataka siya, malakas naman ang immune system niya kaya bihira siya nagkakasakit. Kompleto siya sa vaccine. Wala pang isang taon magmula noong nagpaturok siya ng flu vaccine. Kompleto rin ang vitamins na iniinom niya. Lumabas siya ng kuwarto nang makadama siya ng gutom. Nagtungo siya sa food center. Katatapos lang mag-almusal ng mga estudyante kaya tahimik. Lumapit siya sa counter at pumili ng set ng almusal. “Ngayon lang ata kita nakita,” bungad sa kanya ni Rebecca. “May lagnat ako kagabi,” aniya. “Oh? Ikaw pala ang sinasabi ni Charie na inasikaso ni Dr. Sandro? Lupet mo, te!” na