Reese Jayana “Tomboy” Abad Mula sa tinitignan kong papel ay napaangat ang tingin ko sa aking mga kaibigan. Isa-isa ko silang sinulyapan ng may pagtataka. Mga nakangiti sila at mababatid ang pagka-excited sa binabalak nilang plano. “Sigurado ba kayo sa listahan na ‘yan?” tanong ko. Muli kong tinignan ang papel. “Sa dami ng gusto niyong puntahan natin, kaya ba ng ilang araw iyan? Halatang hindi kayo prepared, ah!” Nabigla naman ako sa pagsulpot ni Trixia sa akin tagiliran. “Tomboy, minsan lang kami makapag tour ng libre kaya gusto namin na lubos-lubusin. Asawa mo ang magbabayad sa lahat ng expenses at na-arrange na niya lahat ang itinerary natin. Habang galante pa ang asawa mo sa amin, sulitin na namin ang pag-stay dito sa Australia.” “Tama ka d’yan!” Sabat ni Pia. Dinuro pa niya si Trix

