Reese Jayana “Tomboy” Abad Napakuyom ang aking palad habang nakahawak sa kumot. Walang emosyon ang aking mukha. Nakatingin lang ang mata sa isang direksyon at tulala. “Kasalanan ko ‘to!” Galit kong sabi sa aking sarili. “Bakit ka naman naging kampante sa babaeng iyon? Minsan ka na niyang binalak patayin, bakit nagpadala ka sa simpleng kabaitan na iyon? Bakit nagpakatanga ka Jayana? Kung naging maingat ka lang sana hindi nangyari ito!” Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nangyari. “Pu-pwede pa naman tayo magsimula ulit, Lo-love.” Rinig kong sambit ni Kendric. ‘Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Wala rin salita ang lumalabas sa aking bibig. “Pinalampas ko ang ginawa mong kasalanan sa akin, pero hindi sa anak ko, Scarlet! Wala kang kasing sama dahil pati ang walang kamuwang-muwang na

