Kendric Aziel Suazer Nakaramdam ako ng inis nang makita si Alfred at ang babaeng iyon na magkausap sa labas ng restaurant. “Ganoon ba talaga sila kalapit sa isa’t-isa?” tanong ko sa aking sarili. Naningkit ang aking mga mata ng makita na ngumiti habang may kausap. “Bakit sa akin palagi siyang galit at nakaangil? Pati ang mata niya ay matatalim at nanlilisik sa tuwing tumitingin sa akin? Samantalang kay Alfred parang ang bait-bait naman niya.” Paghahalintulad ko sa aking sarili at kay Alfred. “Honey…” tawag sa akin ni Olga habang hinahaplos ang aking braso. “Thank you.” “Ayoko ng maulit ang nangyari, Olga! Sa susunod, hindi na kita papanigan! Ayoko lang mapahiya ka kanina kaya pumagitna ako.” Malamig kong tugon, “And please! Stop calling me honey.” Giit ko. Nagmamaktol siya at inalis