Jayana Reese “Tomboy” Abad Naghanda kami ng mumunting salo-salo sa bawat department kung saan kami mga na-assign nina Pia at Devin. Natuwa naman ang mga empleyado sa mga binili namin. Nagpasalamat rin ang dalawa dahil malaki ang naitulong sa kanila ng internship na ito para mahubog ang aming knowledge. Este knowledge nila. ‘Nakakaiyak at nakakainggit na meron silang napala rito sa kumpanya, samantalang ako, nganga. Hindi ko inaasahan na sarilinan ako kakausapin ni Miss De Castro. Nag-aalangan pa ako pero sumama na ako. Walang naman siguro siyang gagawin hindi maganda dahil nagpaalam siya sa harap ng ibang empleyado. “Last day na namin ngayon, kaya ayoko na gumawa ng gulo.” Bungad ko sa kanya pagpasok sa kanyang cubicle. Nawindang ako ng bigla na lang siyang lumuhod sa aking harapan. N

