Kendric Aziel Suazer “Iba ang kutob ko kay lolo, Kendric. Napansin ko na iba rin ang tingin niya sa akin. Baka nagdududa na siya na ako ang anak sa labas ni Mommy.” Nakahawak siya sa kanyang dib-dib habang nagsasalita. Kinuha ko ang ulo at hiniga sa aking dib-dib. “Hindi niya malalaman! Bago niya malaman iyon ay nakagawa na kami ng paraan ni Ram,” saad ko. “I’ll make sure na wala siyang kahit na anong malalaman. Ang dapat nating gawin maging natural lang. Kapag pinapakita mo sa kanya na nangingilag ka baka lalo ka niya pag dudahan. But I don’t think na pinagdududahan ka niya bilang apo!” dugtong. “He likes you as a woman, not by blood,” sabi ko sa aking isip. Umupo ako sa lamesa kung saan nakaupo si Ram. Nakipagkita ako sa kanya after ng mga sunod-sunod na mga biglaang pagpapakita ng k

