Chapter 40 "I WANT you to wear this all the time," bilin ni Clive sa kanya, isinuot sa kanya ang eighteen inches na chain. Ang isang dulo ay nakakabit sa nguso ng eroplano at ang isa naman ay sa buntot. "Isusuot ko lagi. Anong regalo mo kay Jill?" Usisa niya rito. Gumaan ang pakiramdam niya at nawala kahit paano ang lungkot. "Just a brooch with stones. You can give this to her or I'll just let Xav give it." Anitong nakatingin sa box na hawak pa rin sa isang kamay. Ako na magbibigay bukas. Baka may sarili namang regalo si Kuya Savor dun." "Okay," anito sa kanya. Kinuha niya ang box mula rito at sobrang saya niya na may matatanggap din na regalo ang best friend niya, hindi lamang siya. Her phone vibrated and a message from the chat head came in. It's from Jillian. FF Jill: sorry sa