Chapter 73 NAG-IIMPAKE si Mary Leigh ng kanyang mga damit. Uuwi na muna siya sa kanyang ina. Hindi na magandang maglagi siya sa mansyon kung saan wala siyang tiwala sa sarili niyang asawa, na kaya nitong gumawa ng mabuti para sa kanya. Nakakalungkot dahil ang inaakala niyang fairytale romance ay nauwi lamang sa isang masamang bangungot. Nagmadali siguro siya. Hindi man siya literal na nabulag, nabulagan siya sa pagmamahal at panghanga niya kay Clive. Pinahid niya ang mga luha. Busy siya at nagmamadali pero nang tumunog ang smartphone niya ay agad niya iyong nalingon sa ibabaw ng kama. Lumapit siya roon at dali-dali niyang sinagot iyon nang makita niyang ang kuya Macky niya ang tumatawag. "Kuya, si ate? Kumusta si ate? Okay ba siya?" Nag-aalalang tanong niya sa nakatatandang kapatid.