Chapter 68 WALANG tulog si Clive. Hindi na siya nakaalis pa kagabi dahil ang sabi ng tauhan niya ay bumabaha na sa kalsada papunta kina Leigh. Iyon ang huling mensahe na natanggap niya dahil nawalan ng signal. Kahit siya ay nawalan din pero may kuryente sa mansyon. Solar panel ang gamit dun, may generator pa siya. Babalik naman talaga siya kagabi kaya lang ay anong gagawin niya roon? He has to finish his work at home. Since wala naman dun kuryente, paano siya makakapagtrabaho? It was urgent work. Maaga siya ngayon dahil pupunta pa siya sa paupahan. Nakahanda na siya. Hindi siya papasok sa araw na iyon. Tapos na naman ang trabaho niya. Kahit na masyado siyang nag-iisip ay nakapag-focus pa rin naman siya. Pagkababa niya sa sala ay diretso kaagad siya sa garahe para umalis. Ang kotse ang d