Chapter 60 NAPAKARAMING kwento ng Mama ni Leigh nang umuwi yun galing sa Marinduque. Masayang-masaya si Adela at kahit na paano ay medyo nag-improve na raw nang kaunti ang kabuhayan ng mga kapamilya. Hindi pa rin daw masasabing mayayaman ang mga iyon pero kahit paano ay may maaayos ng tirahan, hindi tulad ng noon na tagpi-tagpi pa rin. Ang lupa raw na dating pag-aari ng mayayamang tao roon ay na-donate na sa tenant. Isa ang pamilya nila sa nabiyayaan, at mayroon daw parte ang nanay niya para sa nasira nitong ina. Dalawang daang metrong parisukat daw iyon kaya sabi niya ay mag-iipon siya para patayuan nila ng bahay bakasyunan. Ngayon ay nasa galaan na naman ang Mama niya, naghahanap na naman ng kustomer. Ibinalita niya na may seminar siya ngayon sa kasal at okay lang ang sagot. Isinukbi