Chapter 26 "Leigh!" Bulyaw nito sa kanya pero tila bingi siya. Nakatulala siya sa malaking apoy na kasimbilis ng hangin na kumalat. Nakaramdam siya ng pag-alog sa balikat pero wala pa rin siyang pakialam. Ang isip niya ay mamamatay na siya. "f**k!" Clive cursed in front of her eyes. Kapagkuwan ay daig pa niya ang binuhusan ng malamig na yelo nang maramdaman niyang hinahalikan siya nito. She felt a hard bite on her lip. Diyos ko! "Nanghahalik ka pa, nasusunog na tayo!" Galit na hampas niya rito nang humiwalay ang labi nito sa kanya. "Nakatanga ka kasi!" Anito sa kanya, "Cooperate with me. Give me blankets!" Utos nito sa kanya. Napakurap siya. Mabilis siyang kumilos papunta sa kwarto niya. She stopped and held her chest when she saw thick fire outside her window. "Don't look at it,