Chapter 80 NAKANGITI si Leigh nang bumaba sa sasakyan. Galing sila ni Clive sa labas, namili ng vitamins na kanyang iinumin para sa kanyang pagbubuntis. She's now four weeks and four days pregnant. Hindi pa nila sinasabi sa lahat ang lagay niya. Nakakatawa dahil daig pa niya ang lumpo na hindi makalakad sa sobrang pag-a-alalay ni Clive sa kanya. She had a mild bleeding. Mabuti raw at pumunta sila sa duktor kaagad dahil kung pinabayaan, baka raw magtuloy-tuloy. Sa ngayon ay light brown na ang kulay ng dugo na lumalabas sa kanyaa at napakakonti na lang. Binigyan na siya ng gamot ng duktor nang nasa ospital sila para sa kanyang "Dahan-dahan, baby," anito sa kanya, hawak siya sa baywang. "Sus, hindi naman ako maaano," natatawang sabi niya rito. "I'm just worried," palusot nito sabay kamot