Chapter 44 NAKATITIG si Leigh sa text na natanggap niya mula sa kanyang kuya Macky. Staring at it, she doesn't know what to reply though it has been already rehearsed. Papaalis sana siya para makita ang kaibigan at masamahan na umuwi sa bahay nun galing ospital. Sukbit na niya ang shoulder bag at handa ng lumarga. Kuya Mac: Bunso, okay na. Nabayaran ko na ang upa one month advance, one month deposit. Lilipat na lang kayo ni Tita. Complete package yun. Okay. Iyon ang sabi ng isip niya pero parang ang hirap. Another message came in, hindi pa man lang nagsi-sink in ang unang message sa utak niya. Kuya Mac: Magpaalam ka na kay Mister Greco, Leigh. Ayokong matulad ka kay Ate Marga na sikat nga pero pinagti-tsismisan. The latest gossip about her is that she has been dating a very rich guy an