Chapter 70 WALANG marinig na mga salita si Leigh mula sa kaibigang matalik, na nakatitig sa mga litratong ipinakikita niya. Deleted na rin ang account na iyon dahil hindi na siya makapag-send ng reply, pero hindi na iyon mahalaga. All that she needs is confirmation but how? Hindi niya matatanggap sa ngayon kung sasabihin ni Clive na mahal pa rin nun si Zaira. She noticed her friend, scrolling up and down, and then would scroll again. Paulit-ulit iyon na ginagawa ni Jillian, hindi rin magsawa na tumingin sa mga litrato. "Huwag mong sasabihin 'yan kay Xavier. Ayokong malaman ni Clive na alam ko. Dapat, ako ang makaalam kung anong plano niya sa amin ni ate Zaira." "Ate? Kung makaate-ate ka parang hindi gaga itong babaeng ito. Naku ff ha, tigil-tigilan mo ako ng kabaitan mo. Tingnan mo nga