Chapter 16 ▪︎Leigh▪︎ Guarding them, that's what Xavier is doing at the moment. Daig pa ng lalaki ang isang gwardya sibil sa Malacañang Palace, nakadikit sa kanila ni Jillian. Ang Mama niyang kumakain at subo nang subo ay nakamata naman sa lalaki. "Pa-join," anang isa sa mga makakasama nila sa trabaho. Parehas sila ni Jillian na napatingin dun. Isa iyon sa mga bakla. Medyo tahimik iyon at hindi palaimik. "Sige ba," aniya. Tumabi iyon sa kanya. "Leigh, di ba, saka Jillian? I'm Kaiser but I prefer to be called Kai, mukhang babae," anito kaya natawa sila nang mahina. "Are you really trans? No offense meant, I just have to clarify," anaman ni Xavier na mukhang kina-career ang sinasabing pagbabantay. "What proof do you want, pogi?" Ani Kai sabay kagat ng labi. "Never mind," aniyon kaya