Chapter 86 "FF!" Malakas na bati ni Jillian kay Leigh nang pumasok iyon sa kwartong inuukupa niya sa ospital. Nakauniporme pa ang kaibigan n'ya at halatang kabababa lang ng eroplano. Hindi naman siya dito nag-chat o nag-text dahil ayaw niyang mag-alala ito sa kanya pero mukhang ipinaalam dito ni Xavier ang nangyari, kaya narito ito ngayon at binibisita siya. She smiled at her best friend, "Ff," aniyang ibinuka ang mga braso. Lumapit naman ito kaagad sa kanya at nagyakap silang dalawa. "Akala ko kung napaano ka na." "Okay lang ako, ff. Wag ka ng mag-worry sa akin." "Hindi na kasi tapos na. Imagine, ang bruhilda mo palang ate ang gumagawa ng mga masasamang bagay. Nakakalungkot kaya lang wala tayong magagawa. Na-experience ko na rin 'yan, di ba?" Tumango siya. "Ang mahalaga, okay kay