Chapter 49 DAMN IT! Malutong na mura ang namutawi sa labi ni Clive nang hindi sumasagot si Leigh sa mga tawag at texts niya. Binabawian siya ng babae na iyon a! Hawak niya ang smartphone habang naglalakad papunta sa kanyang opisina, nakasampay sa balikat ang jacket. It's been days. Hindi pa sila nagkikita mula nang bumalik siya nung isang araw galing sa Puerto Princesa. Nasa flight daw iyon kaya hindi sila nagpang-abot. Tapos ay umalis naman siya papuntang Apuao Island, an island in Mercedes. Kadarating lamang niya. "Wow, ang ganda naman ng gf niyo, sir Xavier. Akalain niyong pumatol 'yan sa inyo." Halakhakan ang narinig niya mula sa may opisina ng kinakapatid niya kaya agad siyang napatigil. Anong girlfriend? May girlfriend na si Xavier? Sa halip na sa opisina niya ang diretso ng mg