"Dr Moises! I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya!" Panay ang aking paghingi ng tawad kay Dr Moises, ang dating Dean sa College of Biological Sciences. As far as I know, he was demoted due to a certain scandal na involve ang mag-aaral nito sa Nursing.
"It's okay, hindi naman ako nasaktan. Sa laki kong 'to, parang ipis lang naman ang bumangga sa akin. Bakit ka nga pala tumatakbo?"
Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya ang tunay na dahilan kaya nagsinungaling na lang ako. "Mali-late na po kasi ako, eh."
"I see. Pero dapat mag-ingat ka pa rin."
"Thanks po."
Sa edad na trenta y singko ay masasabi kong successful na si Dr Moises sa career nito. Sikat din ang lalaki sa mga babaeng mag-aaral dahil sa hitsura nito at taglay na karisma. Si Dr Moises ang tipo ng lalaki na gugustuhin ng karamihan na maging boyfriend. May stable job, maginoo at gwapo pa.
Nang dumating ako sa silid-aralan ng Business Management, hindi kaagad ako pumasok dahil wala pa naman ang instructor namin. Nagpahangin muna ako at patingin-tingin sa baba kung saan maraming estudyante ang naglalaro ng table tennis. Nakilala ko ang isa sa mga naglalaro na si Richard, ang president ng table tennis club at pamangkin ni Ma'am Fuentes, ang guro namin sa Business Math. When he looked up, he smiled when he saw me. I smiled back to Richard and to his girlfriend Gretchen who was by his side.
Then I saw him!
Bigla na lang akong kinabahan at na-excited ng sobra. Unang pagkikita pa lang namin ni Chester, crush ko na kaagad siya. Engineering student ang lalaki at miyembro ng tennis club. Noong ipinakilala ako ni Richard kay Chester, halos hindi ako makapagsalita ng maayos sa sobrang kaba. Siya ang tipo kong lalaki, tahimik, seryoso at parang misteryoso ang dating. Tuwing magkasalubong kaming dalawa sa school, mag hi hello din naman ang lalaki pero hanggang doon lang 'yon. Last semester, bago mag-sembreak ay sumama ako kay Ma'am Fuentes na panoorin sina Richard na nagpa-practice ng table tennis.
"Bakit palagi kang sumasama kay Auntie?" Auntie din kasi ang tawag ni Chester kay Ma'am Fuentes.
"Gusto ko din kasing manood..." sabi ko sa mahinang boses.
"Kung nagpupunta ka lang dito para sa akin, huwag ka nang mag-aksaya ng oras dahil hindi naman kita type. Alam mo ba kung sino ang gusto ko?"
"Hindi."
"Siya." Si Gretchen ang babaeng itinuro ng mga mata nito.
Siguro, iyon ang dahilan kung bakit lagi itong tahimik kapag kasama si Richard dahil nagseselos ito sa dalawa. Mag-bestfriend pa naman ang dalawang lalaki. Sayang kung masisira ang kanilang relasyon dahil lang sa iisang babae. Sumenyas ako kina Richard na papasok na ako sa classroom namin. Hindi ko na din hinintay na mapansin pa ako ni Chester kasi alam kong mababadtrip lang siya sa akin.
Pagpasok ko sa classroom, nagulat ako dahil naroon na pala ang instructor namin. Pero bakit nasa likurang bahagi ito nagsasalita? Napaka-unusual naman ng taong ito, sa isip ko. "Good afternoon sir, I'm sorry for being late."
"No prob, Miss Monceda! Take your sit now."
Nagtataka ako kung bakit kilala niya ako eh first time ko pa naman siyang naging instructor. When I scanned the faces of all my classmates, I knew why and how. Ako lang pala ang tanging babae na nag-enrol sa kanyang subject. I have nothing to be ashamed of, but I'm still uncomfortable in a classroom full of male species.
"Monceda?"
"Yes, sir!"
"Come here and introduce yourself." Wala akong magawa kundi ang magpakilala sa lahat. Tumayo ako at pumunta sa tabi ni sir. "Hello everyone, I'm Erin Monceda, a graduating student of Business Management. I am the youngest child in our family of five. My everyday activities include going to school, study at home and monitor my online business."
"Online business? Like selling clothes online?" One of my classmates asked me.
"Actually, no. I'm a product distributor of USANA."
"Paano ba sumali diyan?" Tinanong ako ni sir at nang tiningnan ko ang aking mga classmates ay parang interesado din sila. Ngumiti ako. "Mamaya ko na lang po i-discuss ang mga detalye pagkatapos ng klase or kapag free time ninyo, salamat po."
Hindi ko kasi alam kung interesado ba talaga sila o ano. Isa pa, one hour lang ang klase namin at ayokong ubusin 'yon sa pag-explain sa kanila. Nakakahiya naman kay sir na hanggang ngayon ay hindi ko rin alam kung ano pangalan niya.
"Thanks, Monceda. So, who's next in line? Any volunteer?"
So, hindi pa talaga magsisimula ang klase ngayon, it's more on getting to know each other pa. Walang gustong mauna sa mga lalaki. "Ikaw na muna sir," sabi ko.
"Late ka kasi kaya hindi mo alam na tapos na akong magpakilala sa kanila. Well, for your benefit, I'm Adonis Belarmino and I am the general manager of Daily Report."
Wow! Bigla akong nagka-interes kay Mr. Adonis. Bagay na bagay ang lalaki sa aming subject na business management dahil talagang may alam ito kung paano magpatakbo ng isang organisasyon.
"Sir, sir, may nakalimutan akong itanong kay Monceda!"
Nilingon ko ang lalaking nagsasalita. Hindi siya familiar sa akin, taga ibang department siguro ito. Ang business management kasi ay elective subject ng ibang kurso tulad ng IT at CS. Hindi ako judgmental na tao pero sa tingin ko ay gagawin lang niya akong katatawanan. Hitsura pa lang niya....
"O sige, magtanong ka na."
"May boyfriend ka na ba?"
"Boyfriend? Wala. Pero may asawa na ako," sabi ko, at pinigilan ko ang aking sarili na matawa sa kanyang reaksyon.
"Sino naman?"
"Bakit ba napakatsismoso mong tao?"