Pagdating namin sa Usana office, naghanap ako ng magandang pwesto na mauupuan. Pinili ko 'yong area na malapit lang sa lounge ng mga Diamond Director kasi 'yon ang goal ko after graduation. "Shadi, dito ka muna, okay? I-claim ko lang ang aking AO." "Ano 'yon shadi?" "Auto order. Basta, bantayan mo muna itong gamit ko at sandali lang naman 'to. Kapag umaga ay hindi pa ganun karami ang tao sa loob ng office. Mamayang hapon ay siksikan na ang mga leaders at distributors. Habang nakapila ako sa customer service, napansin ko si Coach Angelo na papasok ng office. Kumaway ako kaya lumapit siya sa akin. "Partner, ang aga mo naman dito sa office." "Syempre naman. Ayokong ma-late sa meeting natin kasi alam ko naman na bawat segundo mo ay mahalaga. Di ba coach?" Sa edad na bente-tres ay masasabi