Nasa sakayan na kami ng jeep pabalik sa aking boarding house pero ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa sinabi ni Mickey. Gosh, nakakahiya! Kahit itanggi pa namin ni Ariel ang buong pangyayari, nagdududa pa rin sila. "Shadi, bakit parang hindi ka yata mapakali diyan?" "Eh, nakakahiya kasi kay Mickey! Alam nila na may ginagawa tayong milagro, shadi." "Hayaan mo na. I'm sure na maiintindihan nila tayo dahil maging sila ay ginagawa rin ang ginawa natin." "Kahit na!" "Hay naku, shadi. Masyado ka lang praning. Nangyari na ang lahat. Wala na tayong magagawa kundi uulit-ulitin iyon kung may pagkakataon tayo!" "Sira! Manahimik ka na nga lang diyan, wala akong mapapala sayo, eh." "Ikaw kasi, masyado kang seryoso. Mas lalo tuloy akong nainlab sayo." "Bolero ka talaga, shadi