"Aba'y bahala ka na sa buhay mo. Matanda ka na, eh." "Wala ka talagang kwenta na kaibigan." Bumungisngis lang si Marian sa sinabi ko. "Ay muntik ko nang makalimutan ang dala naming pagkain." "Pagkain? Nasaan?" Hay naku, basta pagkain ang pag-uusapan, hindi talaga pahuhuli si Marian. Lumabas ako mula sa sala at nagtungo sa maliit na balcony kung nasaan sina Mickey at Ariel. "Shadi, saan mo inilagay ang dala nating pagkain?" "Nasa kusina." "Okay. Mabuti pa ay kumain muna tayong apat, saka na kayo mag-inuman." Sabay na tumayo ang dalawang lalaki at sumunod sa amin patungo sa kusina kung nasaan ang kainan. Pinagtulungan namin ni Marian na ihanda sa hapag ang mga pagkain." "Ang dami naman nito, Erin. Saan ba kayo galing? Sa Fiesta?" "May steak ba sa fiesta? First dinner date sana namin n