Kaya lang, may katapusan ang lahat. Ayoko pa sanang bumalik sa city ngunit tapos na ang bakasyon at kinakailangan ng bumalik sa katotohanan. Alas tres ng madaling araw ay nasa loob na kami ng bus at hinintay na lang ang driver nito na kasalukuyang umiihi pa. "Shadi, palit tayo ng pwesto. Ang lamig kasi dito." Bumulong ako kay Ariel upang hindi maistorbo ang ibang pasahero na parang nakatulog na rin sa kahihintay. "Huwag na shadi para hindi ma masagi ng ibang pasahero kung mapuno na ang bus. Kunin ko lang muna ang beach towel na nasa bag. Bakit ba kasi ang nipis ng suot mo?" "Wala na akong ibang damit, eh." "Okay, sandali lang." Tumatakbo na ang bus nang biglang hinipo ni Shadi ang aking dibdib. "What are you doing?" I whispered. "Shhhh...just let me..." Kinabahan ako sa sinabi niya