"Sinusundan mo ba talaga ako?" Tumaas ang aking boses nang makita ko si Ariel. "Ikaw ba ang may-ari nitong simbahan?" At namimilosopo pa siya kaya mas lalo akong nainis. "Naku, luma na ang istilo mong 'yan!" Inakala siguro ng lalaki na kinilig ako sa mga ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako ililibre ng almusal?" "Hindi! At walang dahilan upang gagawin ko 'yon!" "Naubos na kasi ang allowance ko sa pamasahe ng taxi, eh." "Inutusan ba kitang sumakay ng taxi?" "Please?" Kung hindi lang ako maawain sa mga galang aso at pusa, naku, walang mangyayari sa nakakaawa nitong hitsura. Wala na sigurong mas hihigit pa sa lalaki kung pakapalan ng mukha ang labanan. Iba din, eh. "Fine. Pero pagkatapos nito ay huwag mo na akong guguluhin, please lang din." "Okay, I promise. Magiging busy na rin