ONE

1362 Words
Napabangon ako at naupo. Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin dahil sa panaginip ko. Huminga ako nang malalim at saka bumaba ng kama ko. Lumabas ako ng kwarto at tahimik na naglalakad pababa hanggang sa makarating ako sa kusina. Napahawak ako sa ulo ko at tumingin sa orasan. It’s four am. Not bad, kaysa magising ng ala-una ng madaling araw. Uminom ako ng tubig at saka nagsimula na magluto. It’s been years… Hindi mawala sa isipan ko. Patuloy na hinahanap ang may gawa. Patuloy na naghahanap ng hustisya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko makita ang lalaking ‘yon. They killed my parents… our maids. Mga wala silang puso. I was having a hard time after what happened. Hindi ako makausap nila lola. Naghahanap ako ng magulang at sa bawat takbo ko ay bumabalik ako sa bahay na ‘yon. Sa bahay kung saan… natagpuan ang pamilya ko na sunog… hindi halos makilala. Natagpuan sila… si papa… walang ulo. Hindi ko maintindihan kung sino gagawa no’n. Nahirapan akong bumangon. Nahirapan akong tanggapin lahat. At my age? Kailangan kong tumayo. Ilang buwan tulala, ilang buwan hindi makausap. Hindi ako sinukuan nila lola. Hindi nila ako sinukuan hanggang sa huli. Ang kaso na pilit naming nilalaban sa lalaking ‘yon… hindi nanalo. Kitang kita ko pero dahil sa kalagayan ko. Hindi naipanalo. Hindi ko magawang humarap sa korte. Ilang beses namin binuksan ang kaso pero hindi namin maintindihan kung bakit binabasura na lang nila. Kaya pinangako ko sa sarili ko na ako ang maniningil. Maniningil sa hustisya. “Sabi na gising ka na ‘e!” tumingin ako sa nagsalita. Anly, my friend. Yaya Koring’s daughter. Naging kaibigan ko s’ya noong maliit ako dahil kasama s’ya ni Yaya Koring pero dahil nga sa amin… nawala ‘to. At katulad ko ay gusto n’ya rin maningil sa lahat. Hindi natapos sa sunog ang lahat, hindi sa korte o ano. Dahil ilang beses may humarang sa sasakyan namin mag-lola. Ilang beses kami pinaulanan ng bala sa bahay hanggang sa nagpasya kami na pumunta ng ibang bansa kasama si Anly at Ario. Ang mga maids namin. Binayaran ni lola… alam namin hindi sapat ang pera para sa buhay nila. Ilang beses humingi nang hustisya ang pamilyang nagsilbi sa amin pero kahit kami? Hindi namin nakuha ang hustisya. Kaya bilang kapalit ay pag-aaralin ang mga anak nila. Sagot lahat ni lola para lang makabawi. “Ang aga mo?” “Of course. Alam kong gising ka na sa oras na ‘to.” May dala s’yang kape at agad nilapag sa mesa namin. Tumingin muli ako sa pumasok sa kwarto at nakiagaw sa kapeng binigay sa akin. “Dito ka natulog?” tumango lang si Ario rito. “Ano? May nalaman ba kayo sa pinuntahan n’yo kagabi?” She asked. “Wala. Wala akong nakita kahit ano…” ako na mismo sumagot. “Ako rin, wala. Naghahanap ako. Kahit ‘yung may mga tattoo lang… pero kasi… parang sikat naman sa internet ‘yung tattoo---” “Kilala ko ang pumatay. Ang kaso lang ay wala rito sa Pilipinas,” putol ko rito. “I know. Pero wala talaga akong makita---” “Hindi lang s’ya mayro’n noong gabing ‘yon. Kaya nga sabi ko sa iyo na matanda ang akitin mo hindi kasing edad natin,” naiinis na tugon ko rito. “Chill, wag kayo mag-away.” Like Ario, he also wants revenge for his mom. Isa rin sa maid namin. Sapilitan lang pag-uwi ko rito sa Pilipinas. My lola still in U.S. Hindi n’ya ako pinayagan na umuwi. Pero dahil kasama ko ang dalawa ay pumayag na s’ya. Parang apo na rin n’ya ang dalawang ‘to. Kinuha n’ya bilang kapalit at pinangakong pag-aaralin n’ya sa ibang bansa. Pero ang ginawa naming tatlo ay inaral lahat ang dapat I-aral. Self defense, combat at paano gumamit ng baril. Lahat-lahat, para sa hustisya. Kung hindi ang batas magbibigay no’n ay kami ang kukuha no’n. Para sa pamilya namin. “May nakuha akong invitation para sa party mamaya…” tumingin ako sa hawak ni Anly. “Saan mo nakuha ‘yan?” agad inagaw ni Ario ‘yon. “Sa matanda,” natatawang sabi nito. “Sabi ko sa kan’ya kung may mga party s’ya na alam at eto 'yon. May natanggap daw s’yang invitation. " sabay turo sa invitation. lHiningi ko. Binigay naman." Alam kong malaki ang nabangga ni mama at papa noon. Kasi kung hindi ay bakit gano’n lang kagusto nila na patayin ang pamilya ko. At hindi biro ang yaman na hawak ko ngayon. Nagawa kong magpalit ng pangalan para lang makapagtago. Para lang hindi ako mahanap. Si lola na rin mismo may gusto no'n, para lang maging ligtas ako. “Allison…” tumingin ako kay Ario at binigay sa akin ang invitation. “Punta ba tayo? It’s a formal party.” “Of course. More party, more chances na makita natin ang mga tattoo na ‘yon. Dahil isang grupo sila…” tumango sila sa akin. “Kaya nga may dala na ako ‘e!” napatingin ako kay Anly. Lumabas ‘to at bumalik na may dalang tatlong box. Huminga ako nang malalim at pinakita ang mga formal dress. Uminom ako ng kape. “Kumain na muna tayo bago pag-usapan ‘yan,” agad silang umayos ng upo. Tahimik lang ako kumakain at saka uminom ng kape. Hindi na ako nakatulog pagkatapos no’n. Kaya pumunta kami sa study room at tinignan ang mga gamit namin. “Wag kakalimutan ang baril. Iipit sa hita para hindi mapansin,” paalala ko kay Anly. “Noted.” Hinanda namin ang mga gagamitin mamaya. Mula sa earpiece hanggang sa bag. “Ang alam ko isang private party ‘to and pili lang ang pwedeng pumasok,” tumingin ako kay Anly. “Lasing kasi ‘yung mga matatanda kaya naman nakinig ako,” ngumisi sa akin ‘to. “Nice.” Pinilig ko ang ulo ko at saka kinuha ang maliit na ballpen. Recording device ‘to. Hindi ko maiwasan pakinggan ang nangyari kagabi. “Sobrang galing sana ng mag-asawang Sarmiento ‘no? Kaso namali ng nabangga,” humigpit ang hawak ko sa ballpen. “Bakit? Sino ba nabangga nila?” hindi ko maiwasan itanong. “Bata ka pa no’n. Kaya wala ka sigurong alam,” tumawa ako nang mahina. “Pero hindi ba’t usap-usapan ang nangyari sa pamilya na ‘yon? Kahit ang anak nila hindi na rin matagpuan?” sunod-sunod ang tanong ko. Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang lahat. Hindi ako hinayaan ni lola lumabas. Hindi ako hinayaan na makita muli ako. Hindi ako nilabas pero sa bawat lipat namin ng matutuluyan lagi na lang may humaharang. Ilang security pa ang kailangan namin, ilang magagaling sa baril para lang manatili kaming ligtas. Puno kami ng takot. Pero ang agency na ‘yon… sila lang talaga ang nakatulong sa amin bakit nakaalis kaming ligtas. “Sino ba nakabangga nila?” hindi ko maiwasan itanong muli. “Mga Agustin.” Agustin… bukod sa lalaking ‘yon? Mayro’n pa. Inagaw ni Ario sa akin ang ballpen at hinayaan ko s’ya pakinggan ‘yon. “Agustin? Hindi ba…” tumingin sila sa akin pero hindi ko pinansin. “Itong party ang pupuntahan natin. Isa rin sa Agustin ang nakaupo ngayon.” “Totoo ba?” si Anly na para bang walang alam. “Ibig sabihin sila ang nag-utos patayin ang mga magulang natin?” muling tanong ni Anly. “Kailangan natin humanap muna ng ebidensya. Hindi tayo pwede gumalaw at baka kahit inosente ay mapahamak---” “Inosente, Allison? Inosente mga magulang natin! Tama na nalaman natin ‘to---” Napahinto ako sa ginagawa ko at humarap kay Ario. “Inosente nga pamilya natin. Tama ka. Kaya ba kahit hindi kasali ay dapat na natin idamay. Tulad ng ginawa nila sa pamilya n’yo?” natahimik ‘to. “Hindi natin sila kasing sama. Mas malala sila, Ario!” “Tama si Allison, Ario…” tumingin si Ario kay Anly. Hindi ‘to sumagot pero padabog na lumabas sa study room. Buong maghapon namin inubos ni Anly ang paghahanda hanggang sa mag-ayos na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD