Chapter 43 3rd Person's POV "Niligtas ako ng daddy mo without knowing na ako ang kusang pumunta sa gitna para magpakamatay," ani ni Apollo na kinatigil ni Wax. Parang na-blanko ang isip niy matapos marinig iyon. Sinabunutan ni Apollo ang sarili at sumubsob sa mga tuhod niya. "Ako ang dahilan kung bakit nawala ang kapatid at daddy mo. Ako ang dahilan, Wax," basag na sambit ni Apollo. Hindi alam ni Wax pero bigla na lang gumalaw ang katawan niya at niyakap si Apollo. Hindi na nakapagsalita si Apollo after 'non dahil umiiyak na ito. Hindi matantiya ni Wax ang sakit na nararamdaman ni Apollo lalo na at nakikita iyon ni Wax. Patuloy lang si Apollo sa paghingi ng sorry hanggang sa makatulog ito. "Sabihin mo Apollo, paano ko magagawang magalit sa iyo kung nakikita kong mas naghihirap