Chapter 38 3rd Person's POV Umupo sina Wax at Gaizer sa bench na nasa loob ng green house at nagsimulang magkwento si Gaizer. "Sa lima kasi si Apollo at Grim ang mahirap talaga makausap ng maayos. I mean masyado sila layo sa mga tao. Manager nila ako pero nandoon pa din iyong pader, alam mo na. Kapag sa trabaho, trabaho lang talaga, 'ganon ang dalawang iyon." "Bihira ko lang din makausap si Apollo dahil wala itong ginawa kung hindi mag-stay sa room niya then isang araw. May nakita akong wallet sa hotel kung saan kami temporary na nag-stay, binuksan ko then nakita ko ang picture mo at picture ni Apollo," ani ni Gaizer habang nakahawak sa baba at tiningnan si Wax. "Nakita ko si Apollo na mukhahg hinahanap ang wallet niya kaya agad ako lumapit tapos ayon tinanong ko kung sino ka," dag