Chapter 47 3rd Person's POV "Bwisit ang bakla na iyon!" bulyaw ni Cara matapos makalabas ng subdivision at makarating sa parking lot. Binato nito sa sahig ang notebook at tinapak- tapakan iyon. "Hindi ako makakapayag! Akin si Apollo!" naiiyak na sambit ng dalaga hanggang sa napaupo siya sa gutter at sinubsob ang sarili sa mga tuhod. Nanay ni Cara ang naging mayordoma sa mansyon ng mga Grimore kung saan nanatili si Apollo. Malapit ang ginang kay Apollo lalo na at ito na halos ang nagpalaki sa binata hanggang sa mag-13 ito. Nakilala ni Cara si Apollo,— 'nong nag-13 si Cara at 15 naman si Apollo 'nong pinuntahan ni Apollo ang tinitirhan ng mayordoma. Nanatili lang ng isang taon doon si Apollo at una pa lang kita ni Cara kay Apollo na-in love na dito ang dalaga ngunit kahit minsan