Chapter 30 Wax Frevas's POV Ilang beses na iyon na issue at sinabing kasal na si Apollo ngunit hindi iyon tinanggal ni Apollo, sa concert, taping, tv shows or pictorials ng banda nila. World wide din na ini-announce ni Apollo na may tao na siyang balak pakasalan at naka-in relationship na siya. Naging dahilan din iyon para matanggal ang manager nila at nagkaroon ng conflict. Nag-alala ako ng mga time na iyon pero katulad ng inaasahan sa TK hindi sila nagpatinag. Patuloy pa din sila sa pagtaas at nanatili doon. "Pero kailan nga ba babalik si Apollo?" tanong ni Chloe na kinabuga ko ng hangin bago tumingin sa ilabas ng glasswall sa opisina. "Hindi ko din alam." 3rd Person's POV Halos lahat ng lalaki na empleyado napapalingon sa magandang babae na may suot na white dress at flat sho