Epilogue 3rd Person's POV Nahanap nina Apollo ang location nina Wax matapos ito makatanggap ng text kay Cara. Sa mga nalaman ni Cara sa ginawa ng lalaking nakilala niya na pinsan ni Wax. Natakot ng sobra ang dalaga lalo na at balak nitong patayin si Wax. Sumama lang siya at pumayag sa plano dahil sa usapan na gaganti lang sila kay Wax pero wala doon ang usapan na papatayin ito. Nakaramdam din ng awa si Cara lalo na ng makita na umiiyak si Wax. Wala naman kasi talaga itong nagawa sa kanya na masama, galit lang ito dahil sa sobrang selos at hindi pagpansin sa kanya ni Apollo. "Leo, wala sa usapan na papatay k—" "Manahimik ka! Kung ayaw mo madamay manahimik ka diyan!" bulyaw ni Leo na mukhang nawawala sa sarili. Nanlaki ang mata ni Cara matapos makita ang kinuhang patalim ni Leo.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books